Wala na raw pakialam si Andrea Brillantes sa tanyag na South Korean boy group na BTS kahit isa pa siyang obsessed fan nito.
Obyus na nakasama pa ang kanyang pag-iidolo sa nasabing grupo dahil umani naman siya ng hate mula sa mga tagahanga nito na kung tawagin ay “army.”
Some three years ago, balitang sa pagiging obsessed fan niya sa BTS ay tinawag si Andrea na fake fan, poser at kung anu-ano pang masasakit na salita ng mga tagahanga nito.
Worse, pinagbantaan pa umano ang buhay niya.
Since then daw napag-isip-isip niya na hindi worth na idolohin ang BTS kung ‘yun naman ang magiging katumbas ng kanyang love and appreciation para sa grupo.
“Wala na ‘kong pakialam sa kanila!” mariing deklarasyon ni Andrea.
Dagdag pa niya, nariyan pa rin naman daw ang all-girl Korean group na Blackpink na una niyang hinahangaan kesa sa BTS.
Oo nga naman, aren’t fans supposed to unite themselves lalo’t iisa lang naman ang iniidolo nila?
#AndreaBrillantes
Tags:
ANDREA BRILANTES
