Inuulan ngayon ng batikos si dating IV of Spades vocalist Unique Salonga.
Bukod kasi sa may tsimis itong pumatol umano siya sa 15 anyos na fan, lumitaw din ang kanya raw ex-dyowa.
Ani Chy Lumagbas, may utang pa si Unique sa kanya dahil sa iniwan nitong P6,296 phone bill.
“Pakibayaran din yung bill mo sa globe na gamit pangalan ko. Thanks, kinukulit kasi ako.
@uniquesalongaph,” tweet niya.
“Baka need mo resibo eh. Sinabi ko na rin sa mama mo kaso mag 2022 na may utang pa rin ako. Thank you! Sikat ka naman eh,” hirit pa niya.
May mga pasaring din siya matapos pumutok ang isyung predator daw ng menor de dead ang singer matapos niyang pilitin umano ang isa niyang 15 anyos na fan na makipag-eyeball sa kanya.
Tags:
UNIQUE SALONGA