Masaya ang kulitan kay Jessy Mendiola sa vlog ni Enchong Dee.
Sumailalim kasi sa 5-second challenge ang dalawa. Kailangan nilang sagutin ang mga tanong na natoka sa kanila sa loob ng limang segundo.
Ang pustahan nila: kapag nanalo si Jessy, padadalhan siya ng food ni Enchong mula sa fastfood chain nito. Kapag naman si Enchong naman ang nagwagi, ibibili siya ni Jessy ng paborito niyang rubber shoes.
Sa tatlong bagay na dinedekwat niya sa hotel, iniisa-isa ni Enchong ang kumot, suklay at toothbrush.
Ang pag-crayola naman ang nabanggit ng aktor na ginagawa ng mga tao kapag sila ay in love na ikina-react naman ni Jessy.
Natamene rin siya sa tanong tungkol sa tatlong taong nangwasak ng kanyang puso.
Sa 3 things naman na matatagpuan sa ilalim ng kanyang kama, ito raw ay alikabok, kulangot at dumi, ani Jessy.
Sa tatlong bagay na ginagawa niya sa weekend, ini-numerate ni Jessy ang shopping, exercise at making love.
Tatlong bagay na hindi naman niya sasabihin sa kanyang husband na si Luis ang I hate you, Let’s break up at pengi ng pera.
Sa tanong naman sa 3 things na ginagawa ng isang tao kapag walang tumitingin o nanonood sa kanya, making love, picking nose o pangungulangot at pagtae ang sinagot ni Jessy.
Dahil ilang beses na naisagot ni Jessy ang pakikipag-sex, napansin ito ni Enchong at ng ilang kibitzers.
Sa huli, itinanghal na kampeon sa challenge si Enchong dahil sa dami ng kanyang nasagot.
#JessyMendiola #EnchongDee