Nagkakagulo at tulirong-tuliro ang mga JaDine panatiko sa latest paandar ni Nadine Lustre.
Bumulaga kasi sa social media ang mga larawan ni Lustre na may kasamang lalaki na nagngangalang Christophe Bariou.
Ayon sa pangkat katkatera, inginunguso nila na ang lalaking pwedeng pagkamalang tiyuhin ni Nadine ay ang siyang bagong nagpapatibok sa puso nito. Marami ang nagsasabi na ‘tanders’ ang hitsura kung ikukumpara sa edad ni Nadine.
True nga kaya na jowa ni Lustre ang lalaking obviously experience has made him rich kaya more chances of winning ang pagkarahuyo sa kanya ni Nadine?
Boyfriend na nga ba talaga o getting to know you pa lamang ang dalawang ito? At pag may iba pang kasamang lalaki si Lustre, dapat talaga ang konklusyon ay they are playing sweet music together?
May IG account pero naka-pribado ang setting nito kaya hindi sigurado kung sa banyaga nga ito. Wala rin si Sir Christophe sa Twitter at sa Facebook (Baka iba ang pangalan).Pero siguradong hindi siya fictional o fictitious character kasi nga ilang enterprising ang nag-spread ng larawan nila ni Lustre sa online universe.
Kung totoo ngang ito ang jowa ni Nadine, pwede na ba tayong manalig na hindi lang may tuldok, kundi mag-asawang tandang pandamdam na nga ang relasyon nila ni James Reid? End of the best and fiercest love pairing indeed. Parang nakakalungkot, Charot! Hahaha!
#NADINELUSTRE