Nag-topless si Kim Molina sa mga love scene nila ng live in partner niyang si Jerald Napoles sa pelikulang ‘Ikaw at Ako at Ang Ending’ na dinirehe ni Irene Emma Villamor.
Dahil magdyowa naman sila, hindi nag-alinlangan si Kim na ipakita ang kanyang boobelya at kumiskis ang kanyang hiyas sa katawan ni Jerald dahil matagal naman na silang magkasama sa isang bahay.
Kuwento pa ni Kim, kung sa unang partner niya sa pelikula na si Kit Thompson, nag-alangan siya sa mga love scene, tinodo raw niya ang pakikipagdyugdyugan kay Jerald.
Kuwento naman ni Jerald, sila pa raw ang nag-suggest ng ilang mga anggulo kay Direk Irene para mas lumabas na natural ang eksena.
Sabi pa ni Kim, nag-suggest siya kay Direk Irene na ilabas nila ang mga dila nila Jerald sa laplapan, na ang naging sagot ni Direk Irene ay ‘No!’.
Pero hindi raw porn ang pelikula nina Jerald at Kim, mapangahas lang ang karakter nila bilang hitman at pokpok.
Showing na sa August 13 sa Vivamax ang pelikula nina Kim at Jerald.
#KIMMOLINA #JERALDNAPOLES