Kahit simple ang pagdiriwang ni Marian Rivera ng kanyang 37th birthday noong August 12, patok naman ito sa dami ng well-wishers.
Siyempre, abangers din ang DongYan kung ano ang regalo ni Dingdong sa Kapuso Primetime Queen.
In the meantime, marami naman ang naaliw sa pa-throwback ni Dong to honor his wife on her natal day.
Sa kanyang Instagram account , dinaan pa ng aktor sa patula ang mensahe niya sa misis.
Aniya, makasaysayan daw para sa kanya ang teleseryeng Marimar kung saan sila unang nagkakilala ng mestisang Cavitenya.
Hirit pa niya, bago pa raw sila nagkapalagayan ng loob, sinungitan pa raw siya ng aktres noon kaya tinawag niya itong suplada.
Fast forward, after 14 years of marital bliss, mahal na raw ang tawag niya sa kabiyak.
Marami naman ang kinilig sa pag-e-effort ni Dingdong na idaan sa tula ang pagpapahalaga kay Marian sa kaarawan nito.
Ani kibitzers, kung music to the ears daw ito sa esposa, feeling nila ay pangangalabit na rin ito ni Dong kay Yan para sundan na nila si Sixto Dantes IV.