Sabi nga, it’s not what you say but how you say it. Nasa paraan ang pagsasalita, ‘ika nga.
Pero paano kung bulgaran na, katanggap-tanggap pa rin ba ‘yon?
Isang male fan kasi ang pumunta pa sa workplace ni Maui Taylor, lumapit sa kanya at nagtanong habang nakatutok ang cellphone camera sa aktres.
Nagtanong muna ang male fan kung maaari siyang magtanong. Umoo naman si Maiui.
Nagpasakalye muna ang fan, “Alam n’yo noong bata ako, pinagdyadyaku**an ko kayo. Ano’ng pakiramdam na ang karamihan sa sambayanang Pilipino, eh, pinagdyadyaku**an kayo? Ang laking bagay ang naiambag n’yo sa sambayanang Pilipino.”
Sa halip na mapikon at magalit sa bastos na fan ay nakuha pang ngumiti ni Maui sabay sabing, “Natutuwa ako. At least, tumangkad ka. May naiambag ako.”
Muling hiningan ng reaksyon si Maui sa presscon kamakailan patungkol sa insidenteng ‘yon. Nagbiro ito at sinabing, “Sa mga gustong tumangkad diyan, puwede pa kayong humabol.”
