Kumpirmadong hindi na kabilang si Ellen Adarna sa Season 3 ng John en Ellen.
Tampok sa nasabing sitcom sina John Estrada na line producer din at Ellen Adarna.
Ang balita ng umano’y pagwo-walk out ni Ellen sa last day ng lock-in taping sa isang resort sa Laiya, Batangas ang dahilan para palitan siya.
Dahil hindi na nga kasama, inaayos ng creative team ang itatakbo ng kuwento. Posible ring baguhin ang titulo nito sa pagkawala ni Ellen.
Ayon sa isang source na malapit kay John, isa si 2020 Miss Universe Philippines sa mga pinagpipiliang ipalit kay Ellen.
Pero ewan kung posible ito dahil balitang nakipagpulong na si Rabiya sa GMA para sa gagawing proyekto doon.
Bukod kay Rabiya, kinu-consider din sina Ivana Alawi, Arci Munoz at dalawa pang aktres.
Sa ngayon, mas abala si Ivana sa kanyang vlogging.
Pero kahit sino pa ang ipapalit kay Ellen, the fact remains na sa mundo, nobody is indispensable. Tuloy pa rin ang sitcom without Ellen who can afford not to work her butt dahil mayaman naman siya.
#EllenAdarna #rabiyamateo
