Ayaw paaawat sa pagpapasabog si Rhian Ramos sa mga posting niya sa Instagram, na ikinabaliw ng kanyang mga follower.
Normal na ngang nakabalandra sa IG ni Rhian ang mga bikini shot niya, pero ang latest na pagpapa-sexy nito ay hindi kinaya ng mga netizen.
Nakahambalang sa IG ang pagbi-bake ni Rhian ng cookies nanaka-panty lang. Sexy baker ang dating ni Rhian sa post niyang ito na naka-black underwear at natatakpan lang ng malaking scarf ang kanyang dibdib.
Bumulaga rin sa isang larawan ang puwet ng Kapuso star sa back-shot ng photo niya habang nakatuwad sa oven, dahil sa mataas na cut ng underwear.
“I’m really into cookies,” sabi niya.
So, sa halip na cookies ang napansin sa post, ang wetpaks ni Rhian ang napag-usapan.
Tags:
RHIAN RAMOS