Positibong tinukoy ni Janus del Prado na galing umano sa kampo nina “G” at “J” ang mga paid troll na namba-bash sa kanya bilang depensa sa matalik niyang kaibigang si Bea Alonzo.
Ang “G” ay si Gerald Anderson at “J” naman ay ang nobya nitong si Julia Barretto.
Ang latest, gumawa pa ng checklist si Janus para ipaunawa kay Gerald ang wastong paghingi ng sorry.
Kamakailan ay sinabi ni Gerald sa isang panayam na nagso-sorry siya sa kanyang ginawa kay Bea, at sana’y mapatawad siya nito.
Ayon kay Janus, bina-bash umano siya ng kampo nina G at J to the point na binabantaan na umano ang kanyang buhay.
Pero imbes na matakot o matinag ay nag-post pa si Janus na mapipilitan siyang isiwalat ang umano’y sikretong tatlong taon na raw niyang kinikimkim.
May binanggit si Janus na “P” na ang hinala’y si Pia Wurtzbach na naugnay kay Gerald noong magtambal sila sa pelikulang My Perfect You noong 2018.
Si Janus ay numero unong tagapagtanggol ni Bea