Si Lolit Solis na rin ang nagsabi na parang mga anak niya ang kanyang turing sa mga alaga niya.
Isa si Paolo Contis sa mga artists ni Lolit na ngayo’y hiwalay na sa partner nitong si LJ Reyes. Kapwa tikom ang bibig ng umano’y ex-couple.
Mismong si Lolit na rin ang nagkumpirma na totoong hiwalay na nga sina Paolo at LJ. Pero pakiusap niya, huwag na raw idamay ang leading lady ni Paolo na si Yen Santos dahil wala namang third party involved sa hiwalayan.
“Na-outgrow na nila ‘yung romance. Huwag nang dagdagan ang casting, lalaki lang ang cost of production,” ani Lolit.
Bilang nanay-nanayan ni Paolo, ganu’n na lang daw ang panghihinayang ni Lolit.
Sina Paolo at LJ ay may isang anak, si Summer.
Sabi ni Lolit sa ulat ng PEP, nalulungkot siya sa balita, “dahil mukha naman silang tahimik nu’ng sila pa. Maganda ang influence nila sa isa’t isa.”
Itinuring na rin kasing hindi iba ni Paolo si Aki, ang anak ni LJ kay Paolo Avelino.
Dagdag ni Lolit, “Sana mag-move on sila nang walang bitterness.”
Aktibo sa ngayon si Paolo sa showbiz habang anytime ay maaaring mag-migrate sa US si LJ dahil naroon ang kanyang ina.