Nag-viral noong Linggo, August 22, ang post ng isang netizen sa Twitter.
yung napalunok na yung patay sa haba ng eksena pic.twitter.com/uUgJ2570Ut
— 𝓫𝓾𝓻𝓪𝓷𝓭𝓾𝓼𝓱𝓲 (@mhargzmontemang) August 22, 2021
Ito ay dahil sa blooper na naganap sa eksena nina Christopher de Leon at Shido Roxas sa isang episode ng Wish Ko Lang! noong July 9, 2021.
Caption niya sa tweet: "yung napalunok na yung patay sa haba ng eksena"
Sa eksena sa morgue, nagluksa ang karakter ni Christopher at umiyak sa harap ng bangkay ng character ni Shido.
Ang dapat sanang nakakaiyak na eksena ay naging sentro ng katatawanan sa social media nang may nakapansin na biglang lumunok ang dead character ni Shido, at nakuhanan ito ng camera!
Sa ngayon ay mayroon nang 6K retweets at 31.8K likes.