Si Annabelle Rama ang sumalag sa mga bira laban kay Jinkee Pacquiao ng aniya’y isang reporter na nagsabing insensitive daw ang misis ng Pambansang Kamao nang ibalandra ang milyong pisong suot nito noong Pacquiao-Ugas boxing match.
Bagama’t hindi niya pinangalanan ang reporter, marami ang humuhulang si Cristy Fermin ‘yon.
Naglabas pa ng back story si Annabelle tungkol sa noo’y madalas pagbanat ng reporter kay Jinkee, na noong bigyan daw ng Chanel bag na may P100,000 sa loob ay iginuest pa sa radio program nito.
Attack and collect daw ang pinaiiral ng reporter na ‘yon, na mukhang hindi alam ng diyaryong pinagsusulatan nito at istasyon ng radyong pinagtatrabahuhan.
Ito rin daw ‘yung reporter na idinemanda ng libel ng pamilya ni Annabelle na natalo sa kaso at nagbayad ng isang milyong piso bilang danyos.
Payo ni Annabelle, “Matanda ka na, magbago ka na. Kung anong pangit ng mukha mo, eh, siyang pangit ng ugali mo!”
Ano raw ba ang gusto niyang isuot ni Jinkee? Duster, tsinelas at naka-bayong?