Minura ni Paulo Avelino ang kanyang mga followers dahil sa video na tinag sa kanya sa Twitter.
Isang @anjanethmsl ang nag-upload ng video ng isang babaeng naka-bandana, labas ang tiyan at pusod habang nagsasayaw.
Sabi nito sa video, “ang ganda mo @mepauloavelino.”
Hindi napigilan ng aktor ang mapamura nang makita ang sarili na nagsasayaw ng sexy, sa katauhan ng isang babae.
“Hooooy mga punyeta!” sabi ni Paulo.
Hooooy mga punyeta https://t.co/eVOhhG9hMW
— Paulo Avelino (@mepauloavelino) September 8, 2021
Pero, sa halip na ma-offend ang mga fan, naaliw at lalo pa nilang binuska ang aktor sa naging reaksyon nito.
Siyempre, biro lang ang reaksyon ng aktor, kaya hindi sineryoso ito.
Mababasa sa mga comment ang paghanga nila kay Paulo, na maganda pa rin kapag naging babae.
Tags:
PAULO AVELINO