Hot topic online ang comedian na si Ate Gay dahil sa naging patama niya sa mga walang ginawa kundi manisi at sisihin ang gobyerno.
“Delete ko mga friends ko dito na walang ginawa kundi mangnega ng umaga ang manisi ang sisihin ang gobyerno… basa din alamin ang pinagmulan ng paghihirap ng pinas… simulan nyo ng 1986,” saad ni Ate Gay sa Facebook post.
Ilang netizen ang hindi nagustuhan ang pahayag ni Ate Gay at ikinumpara sa pahayag ng isa pang comedian na si Tuesday Vargas, habang ang iba ay pinagtanggol siya.
“Siguro kung magye-yes ako kung may mas konkretong plano. Hindi ‘yung ura-uradang pabalik-balik na parang ECQ, MECQ, GCQ. Gusto ko siguro ng mas maganda at maayos na sistema. Tapos mas maganda at maayos na pamamalakad para i-deserve naman nila ‘yung buwis na ibinabayad,” wika ni Tuesday.
