Inamin ni Paolo Contis na ilang taon niyang “tinorotot” si LJ Reyes pero nilinaw niyang hindi si Yen Santos ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
Sa mahaba niyang Instagram post ngayong Miyerkoles, sinabi ni Paolo na naging marupok at gago siya sa ilang taon nilang pagsasama ni LJ.
Siya raw ang dahilan kung bakit matagal na silang hindi okay ni LJ at hindi si Yen.
Pumunta raw siya sa Baguio nang magtungo sa Amerika sina LJ at mga anak dahil gusto raw niyang makapag-isip-isip at inimbitahan lamang si Yen bilang kaibigan.
Umaasa siyang balang araw ay makapag-usap sila ni LJ para sa anak na si Summer.
Humingi rin siya ng patawad kina LJ, Summer at Aki, at nangakong aayusin ang kanyang sarili.
Marahil ay sobrang close friend nya si Yen dahil mag kaholding hands pa silang nag lalakad.