Naglabas na nga ng kanyang pahayag si Paolo Contis ukol sa mga isyung kinakaharap niya ngayon.
Sa kanyang Instagram ay isa isang sinagot ni Paolo ang mga intriga.
Pinabulaanan ni Paolo na ang aktres na si Yen Santos ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni LJ.
Siya raw mismo ang nag-imbita kay Yen sa Baguio nang lumipad si LJ papuntang America.
Namalagi umano siya sa Baguio ng tatlong araw upang makapag-isip isip. At sa Norte lang din nakatira ang aktres kaya inimbitahan niya ito.
Isang araw lang daw silang nagkasama doon para lamang may makausap siya na kaibigan.
Ngunit taliwas sa sinabi ni Paolo na isang araw lang sila nagkasama ni Yen sa mga ebidensyang inilabas ng netizens.
Sa twitter ay isang netizen ang nagpost ng litrato nila Paolo at Yen sa isang kainan. Iba ang suot na damit ng mga ito sa mga naunang litrato at video na nagviral.
Ilang araw daw silang nakitang magkasama sa iba’t-ibang lugar at kainan sa Baguio.
1 day in baguio? Realllllly? Aug 25 in Agare Ramen baguio, then sep 3 sa lemon and olives. Sinong niloloko nio? 😂 pic.twitter.com/WksJedFaiN
— wink wink (@khimmywinky) September 8, 2021
Talagang walang makakalusot sa mga mapagmatyag na mga netizens.