Viral ngayon ang isang video ng aktres na si Marian Rivera, kung saan inakusahan ang security officer na si Earl Nerona Pressman ng pamboboso. Sa gitna ng kontrobersiya, nagsalita na si Pressman upang ipagtanggol ang kanyang sarili at linawin ang totoong nangyari.
"Naiba ang Kahulugan ng Totoong Nangyari"
Sa isang post sa Facebook, sinabi ni Pressman na mali ang interpretasyon ng mga netizens sa viral video. Iginiit niyang hindi totoo ang akusasyon, kabilang na ang umano'y sinabi ni Marian na, “Kuya, kanina ka pa,” na pinaniniwalaang patungkol sa kanya.
“Sana maisip ng mga taong nakikisakay lang sa isyu ang mga nangyari,” ani Pressman. Ipinaliwanag niyang ang naturang event ay sobrang siksikan, kaya’t naging limitado ang kanilang kilos habang pinoprotektahan ang aktres.
Ang Totoong Pangyayari Ayon kay Pressman
Ayon sa kanya, lumapit siya sa kanyang kasamahan upang magtanong ukol sa crowd control at nilapit niya ang kanyang tenga dahil hindi nila magawang mag-senyas sa dami ng tao.
“Bumulong ang kasama ko at nagtanong about sa crowd control... nilapit ko ang tenga ko sa kasamahan ko dahil mahihirapan ka sumenyas, mahihirapan ka igalaw ang katawan mo dahil sa dami ng tao,” paliwanag ni Pressman.
Dagdag pa niya, ang pahayag ni Marian na, “Kuya, kanina ka pa,” ay patungkol sa isang taong nagpupumilit lumapit sa aktres para magpa-picture. Ani Pressman, napatingin lamang ang aktres sa direksyon niya dahil siya at ang iba pang security personnel ang nagbabantay.
Patunay ng Maayos na Samahan
Ibinida rin ni Pressman ang isang larawan nilang dalawa ni Marian, kuha matapos ang naturang insidente. Ayon sa kanya, maayos ang kanilang samahan at nagkaroon pa sila ng pag-uusap ukol sa crowd control.
“Walang isyu na nangyari. Pinalaki lang ng mga taong walang ibang hangarin kundi manira at pagkakakitaan ang paninira sa ibang tao,” aniya.
Paalala sa Netizens
Nanawagan si Pressman na tigilan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon.
“Kaya sana makonsensya kayo sa mga ginagawa ninyo. Huwag kayo maging one-sided kung hindi naman ninyo alam ang kabuuan ng story. Nakakabulahaw kayo ng taong tahimik na nagtatrabaho,” wika niya.
Ikaw, ano ang masasabi mo?
Kanino ka papanig sa kontrobersiyang ito? Naniniwala ka ba sa pahayag ng sekyu o may ibang pananaw ka sa isyu? Ibahagi ang iyong opinyon sa comments!