Ceasefire na muna si Janus del Prado sa mga kaliwa’t-kanan niyang mga pasabog na ang pinupuntirya ay si Gerald Anderson.
Ayaw na ring pumatol o ipagtanggol ni Anderson ang sarili sa mga parunggit at parinig na galing sa character actor.
Ang isa pang sabit sa malasapot na kwento ni Janus, ay si Philippines 3rd Ms. Universe, Queen Pia Wurtzbach na nginungusong minsan ay naging super ka-close umano ni Anderson noong mga panahong in a loving status pa ito kay Alonzo.
Marami nga ang nanalig na ang Twitter post ni Pia na quote mula sa legendary American Eleonor Roosevelt: “No one can make you feel inferior without your consent” ay tila may kinalaman sa isyu.
By gones na naman ang pangyayaring ito kaya dapat lang na hindi i-dignify ni Queen P ang nakalipas na di na dapat balikan. More than enough na ang quotation as a reaction. She is in better place, just like Bea. Pareho na silang may mga minamahal at talagang nakapag-move on na.
Ang diva that you love, unawa naman ang mga kuda at hanash ni Janus del Prado dahil nga ipinagtatanggol nito ang matalik na kaibigan sa isang lalaking too late the hero na asking for forgiveness. Pinaratangan tuloy siyang gusto lang niyang mag-ingay para naman may manood sa kanyang show kung saan kitang-kita kung paano siya pinapakain ng alikabok ni JM de Guzman sa pag-arte, huh!