“He’s no longer a friend of mine!”
Ito ang diretsong pahayag ni Derek Ramsay patungkol sa kaibigan niya of seven years na si John Estrada.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Derek na may kinalaman ‘yon sa nobya niyang si Ellen Adarna. Sina John at Ellen ay mga bida sa TV5 sitcom na John and Ellen na inalisan ng huli.
Paglilinaw ng Fil-Brit actor, “Hindi ko siya (John) kaaway, hindi ko na rin siya kaibigan. I just don’t want to associate myself with him.”
Taong 2014 noong magsimulang maging magkaibigan sina John at Derek. Nagsosyo pa sila sa mosquito repellant product noong 2018. Close din si Derek sa partner ni John, si Priscilla Mereilles.
Si John ang instrumento kung bakit nakilala ni Derek si Ellen nitong January.
Ipinagtanggol lang ni Derek si Ellen sa mga intriga laban dito, na kung tutuusi’y ayaw na raw sana niyang patulan.
Nag-sorry naman daw kay Derek si John dahil ramdam nito ang kanyang galit.
Hindi nagustuhan ni Derek na pati siya’y nadamay sa isyu.
Paglilinaw niya, hindi raw siya nag-stay sa isang Batangas resort sa five-day duration ng lock-in taping, kundi una at ikaapat na araw lang na may dahilan.
Kinlaro rin ni Derek na hindi pasaway si Elllen na pumayag pang tapusin ang Season 2 ng sitcom kahit walang kontrata. Gusto lang daw ni Ellen na masunod ang kanilang usapan kaugnay ng cut-off time nito, bagay na ipinagwalang-bahala ng produksyon.
#DEREKRAMSAY #JOHNESTRADA