Itinanggi ni Kiko Estrada na pinagsabay niya sina Devon Seron at Heaven Peralejo o may overlapping na naganap.
Paliwanag ni Kiko sa panayam ni Ogie Diaz, mabilis lang daw siyang naka-move on sa paghihiwalay nila ni Devon.
Inamin ng aktor na pangit ang naging paghihiwalay nila ni Devon na nangyari nitong Valentine’s Day pero hindi aniya siya nag-cheat sa aktres.
Hindi naman daw niya inaasahang magiging sila ni Heaven nang maging close sila matapos ang breakup.
“I am not a cheater. She’s (Heaven) not a third party,” ani Kiko.
“It was not a good breakup but it was a breakup and I wish her well. I wish her the best,” dagdag niya.
Naiintindihan naman daw niya ang mga patama sa kanya ng kapatid ni Devon.
“I guess she’s just hurt, Tito. I guess nasaktan sila sa nangyari or I never overlapped, but I guess if you want to blame something on me. It’s just that I moved on fast and I don’t think it’s my fault,” saad pa ng aktor sabay hingi ng sorry sa pamilya ng ex-girlfriend.