Naging panauhin ni Betong Samaya sa ArtisTambayan sina Kylie Padilla at Andrea Torres.
Napag-usapan sa nasabing online show ang upcoming LGBTQA+ series ng dalawa. Naging kontrobersyal ang pasilip nilang mga eksena na kumalat sa social media.
Ani Kylie, first time raw niyang ‘magpapogi’ sa isang proyekto.
Aminado rin siyang malaki ang naitulong ng kanyang mga naging karanasan sa pag-ibig, kasama na ang heartbreak para magampanan niya ang papel ni Beth na na-inlab sa kanyang kabarong si Cindy na binibigyang buhay ni Andrea.
Hirit pa niya, malaking hamon din daw sa kanila ni Ada ang mga eksena sa series. Naging palaban sila sa tukaan.
Iyon intimate scenes ay pulos take one lang dahil pinaghandaan at pinag-usapan daw nila itong mabuti ni Andrea bago kunan.
Wala rin daw ilangan na naganap sa kanila kaya lumabas na natural at hindi awkward ang mga kinunang sequences.
Katunayan, minsan daw kahit tapos na ang eksena ay hindi nila namamalayang naghahalikan pa sila.
Dagdag pa niya, marahil daw ay nakatulong sa pagganap nila ang naging karga nila mula sa last relationship nila.