"I'm not sure if it was right, but is felt so right"
Ito ang naging pahayag ni Vice Ganda matapos manalo sa jackpot round ang mga contestants sa ABS-CBN game show na Everybody, Sing kahapon, August 29.
Nakuha ng 25 studio players ang jackpot prize na P500,000 kaya mayroong P20,000 na maiuuwi ang bawat isa.
Agad itong naging usap-usapan sa social media dahil halatang tinulungan ni Vice na masagot ng mga players ang huling kanta sa nasabing jackpot round.
Para manalo ng kalahating milyong piso, kailangang mahulaan ng mga players ang pamagat ng sampung kanta na patutugtugin sa jackpot round.
Nakuha naman ng studio players na pawang mga factory workers ang tamang sagot sa siyam na kanta.
Tila nahihirapan lang sila sa isang kanta na kung kaya’t lantaran na silang tinulungan ni Vice.
May natitira na lang na isang segundo sa oras nang pindutin ng isang contestant ang buzzer.
At sa tulong nga ni Vice ay naibigay nito ang sagot na kumumpleto sa sampung sagot na kailangan para makuha nila ang jackpot prize.
Panoorin dito ang emosyonal na eksena matapos manalo ng studio players sa jackpot round.
Agad namang nag-tweet si Vice matapos ang episode at nagpasalamat sa lahat ng sumubaybay sa programa.
That episode was teally special to me. Thanks for watching #EverybodySingFactory !
— jose marie viceral (@vicegandako) August 29, 2021
Everybody! ano ang reaksyon niyo pagkatapos mapanood ang Jackpot round? ❤️😭#EverybodySingFactory pic.twitter.com/pEvFkXsOnn
— Everybody, Sing! (@everybodysingph) August 29, 2021
