Bagama’t nilinaw na ni Max Collins na okay ang lahat sa pagitan nila ng mister na si Pancho Magno ayaw pa rin silang tantanan. Sinabi na niyang hindi totoong hiwalay na sila, still, ang dami pa ring nagdududa lalo na nga kung ang pagbabasehan ay ang kani-kanilang Instagram post.
Wala kasi silang larawang magkasama sa kani-kanilang IG post, at least not in the last couple of months. Wala rin silang family photo na magkakasama silang tatlo ng anak nilang si Skye.
Last August 28 ay nag-celebrate ng ika-29 na kaarawan si Max at may mga nakapansin na wala man lang pagbati si Pancho sa misis sa kanyang IG. Well, puwede rin naman kasing hindi siya talaga showy especially sa social media. May lalaki rin naman kasing ganu’n.
Sey nga ni Max sa panayam niya nang mag-renew siya ng kontrata last month sa GMA-7, “kami lang talaga ‘yung nakakaalam, how our lives are and how we are as parents to Skye. We filter what we show other people, because we like to keep our lives private.”
May mga nagsasabi rin namang magaling daw mag-alaga si Pancho dahil nga nakikita sa mga post ni Max na mas sexy at mas maganda siya ngayon.
Well, true naman. Mas beauty naman talaga siya ngayon kaysa noong single pa siya.
