Hindi nagpahuli ang aktres na si Andrea Brillantes sa kaniyang pasabog na dance performance sa ABS-CBN Christmas Special.
Bumida si Andrea sa maangas na pagsayaw ng "Mamushi" ni Megan Thee Stallion at Yuki Chiba, na talaga namang nagpasiklab sa stage.
Proud na proud ang fans sa ipinakitang husay at confidence ng aktres, dahilan para bumaha ng positibong reaksyon online:
- "OUR GEN Z QUEEN THE ONE AND ONLY ANDREA BRILLANTES"
- "Talented talaga tong batang to, can sing, dance, and grabe sa acting"
- "Facial expression!!! and moves!!! Nanglalamon ng dance floor!"
- "FACIAL EXPRESSION, DANCE MOVEMENT, FACE CARD PERFECT"
Hindi maikakaila ang galing ni Andrea bilang isang all-around performer na patuloy na pinapalakpakan ng maraming fans.
Ikaw, ano ang masasabi mo sa performance ni Andrea? Saang aspeto siya pinakanakamamangha para sa'yo—acting, singing, o dancing?