Pinabulaanan ni actor Robin Padilla na nagkakapera siya kaya nananatiling loyal at ipinagtatanggol sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go.
“May mga malalapit sa akin ang nagtatanong at nagsasabi ano daw ba ang napapala ko sa pagiging kaibigan ni senator Bong Go at ng mahal na Pangulo mayor Duterte. Nagkakapera daw ba ako?” saad ni Robin sa isang Instagram post.
“NEVER akong kumita sa kanila at wala akong negosyo lalo sa gobyerno,” dagdag niya.
Wala rin daw siyang posisyon sa gobyerno.
“Akoy inalok pero hindi ko tinanggap dahil hindi ako handa na iwan ang pamilya ko at ang trabaho ko sa showbiz,” paliwanag niya.
Ang dahilan aniya kung bakit tapat at pinagtatanggol niya ang dalawang opisyal ay dahil walang katulad ang mga ito bilang public servant.
“Tapat ako dahil kilala ko sila bilang kaibigan. Ipinagtatanggol ko sila dahil hindi pa ako nakakilala ng mga public servant na katulad nila kung magtrabaho at magserbisyo.
“Lalahatin ko na po wala silang katulad, wala silang yabang sa katawan, sila pa mag opo at po, kapag may nabalitaan sila na kalungkutan o karamdaman sila pa ang tatawag at mangangamusta, hindi nakakalimot na magpadala ng ng isdang tuna dahil paborito ng nanay ko at grape fruit galing davao para kay maria isabela..
“Wala pa akong nakilalang ganyan sa mundo ng pulitika. Higit sa lahat Man of action si SBG kaya kami bilib dyan ni kuya ipe hindi yan takot mamatay bastat nagseserbisyo siya.”
