Nabuhay sa alaala ng mga netizen ang nag-viral na video ni Cesar Montano kung saan biglang umapir sa likod niya ang isang babaeng nakahubad habang binabati ang isang kagawad.
Ito ay matapos gayahin nina Juancho Triviño at Mikoy Morales ang naturang video.
Sa Instagram video, binati ni Juancho ang kaibigang si Jeric Gonzales dahil kaarawan nito.
Pero sa halip na hubad na babae, ang nakahubad na si Mikoy ang umapir sa background ni Juancho.
“Nagbirthday ka nga pala, Jeric. Pasensya na at busy. Ito na lang muna ulit,” caption ni Mikoy.
Nireplayan ito ni Jeric: “Salamat salamat Cong!” na sinundan niya ng tatlong laughing emoji.
Napahalakhak naman ang kapwa celebrity at ilang netizen sa ginawa nina Juancho at Mikoy kabilang na si Janine Gutierrez na napa-shet pa.
“HAHAHHA HAHAHAHA SHET,” sambit ni Janine.
“Hahahahaha! Laugh trip ito @mikoymorales Hindi tayo magkakilala pero Happy Birthday, Jeric!” sey ni Iza Calzado.
“Hahaha! Saya,” react ni Chynna Ortaleza.
“Cesar leave the group,” biro ni lenezzkie12.
“Aliw HAHAHA nakailang ulet ako buwiset! tawang tawa ako kay juancho,” comment ni wachvz24.
