Curious kami kung bakit sa Nobyembre gustong magbuntis ni Yen Santos base sa kuwento ni Nay Cristy Fermin sa programa nito sa Radyo Singko 92.3 News FM kasama si Rommel Chika.
Ipinagdiinan kasi ng radio host at batikang manunulat na may boyfriend si Yen at nakilala na nila ito kaya nu’ng pumutok ang balitang siya ang third party sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes ay hindi siya naniniwala.
"Hindi eh, imposible, kasi may karelasyon si Yen eh, may karelasyon si Yen na kilala namin eh, In fact, diba japs, gusto na nyang mag karoon ng anak sa november” sabi ni Nay Cristy.
Ayon naman sa isa pang tinanungan namin kung sino ang boyfriend ni Yen, “Hindi binanggit ng source, pero non-showbiz at wala ring sinabi kung pakakasal muna bago magbuntis o buntis muna bago kasal.”
May nagtsika naman sa amin na kahit non-showbiz ang boyfriend ni Yen ay may konek pa rin ito sa showbiz at may mga nakakakilala sa kanya.
Kaya may bago na namang iimbestigahan ang mga marites kung sino ang lalaking tunay na karelasyon ng aktres kung totoo nga ang mga chika.
Anyway, tsinek namin ang social media accounts ni Yen at wala pa rin siyang mga bagong post maliban sa promo ng pelikulang “A Faraway Land” na isa sa most viewed ngayon sa Netflix na nasa number 6 slot nang i-check namin.